Philippine Literature these days.

This is for all aspiring writer, published writer, self-published writer and online writers. I write because my mind told me so. Okay so let’s get started!

I read a post a few days ago about Bob Ong’s message about those wattpad writers. Malalim ang kanyang litanya at pakahulugan, sa bawat talata niya’y ramdam ko ipinahahayag niyang hinaing tungkol sa mga manunulat na ito. Hindi nga ba’t nakapagtatakang ang bilis sumikat ng mga baguhang manunulat sa ating lipunan? Dahil roon, napagtanto kong tama siya. Ano na nga ba ang estado ng literaturang Pilipino ngayon? Hindi ba’t tinatawag itong “PhilLit” bilang categorya sa mga babasahin, pero bakit tila nagiging “Pilit” ito?

Ako’y isang Pilipinong kabataan na nangangarap ring maging isang manunulat, ang genre ko ay Fiction, partikular ang Romance. Bata pa lang ako ay mahilig na ako magbasa ng mga pocket book, lumaki ako sa pagbabasa ng mga PHR romance pocket books na madalas kaadikang basahin ng aming mga nagiging kasambahay. Elementary pa lang ako madalas na akong manghiram ng ganoong babasahin kahit na hindi pa ito naayon sa edad ko, dahil doon natuklasan ko ang hilig ko sa pagsusulat. Maraming storya ang basta basta na lang nag pa-pop-up sa aking utak at tila nangangati ang aking kamay na isulat ito. Sinubukan kong magsulat ngunit hindi iyon pumasa sa PHR. Lumipas ang taon, tandang-tanda ko, Enero ng taong-2013 nang sumikat at maglitawan ang iba’t-ibang publisher ng mga librong wattpad. Doon ko napagtanto na “ako” na lang pala ang hindi pa nagiging writer. Naiinis ako sa sarili ko, ilang workshop pa ang inattendan ko makamit ko lang ang pangarap ko, pero bakit ang mga manunulat na ito’y instant sikat agad?! Cliche stories, mababaw na plot, walang kwentang mga karakter, ilan lamang ‘yan sa mga dahilan kung bakit walang kabuluhan ang isang istorya, pero ang tanong, bakit sumisikat sila?

Ayon sa mensahe ni Bob Ong, “Sumulat ka dahil gusto ito ng puso mo, hindi lang dahil pangarap mong maging author someday. Kalimutan mo muna ang mga font, kilig, dedication, presyo, twist, style at royalty. Mag concentrate ka muna sa bakit. Ano ang motibo mo para magkaroon ng libro?…” Natauhan ako ng mabasa ko iyan. Aminado akong nagsusulat ako dahil gusto ko maging writer someday, pero dapat ko rin palang itanong sa sarili ko kung bakit ako nagsusulat. Well, nagsusulat talaga ako dahil gusto kong ilabas ang istoryang nais ko ikwento o ibahagi sa mga mambabasa, gusto ko mang aliw at mag bigay ng makabuluhang oras sa mga tao. Ang iba kaya? Ano kaya talaga ang pakay nila? Hindi ba’t madali ng sumikat ngayon? Hindi lang ang mga artista ang nag ma-mall tour kundi maging ang mga manunulat.

Minsan naitanong ko sa sarili ko, naghirap din kaya sila o sinuwerte lang? Alin kaya ang tinitingnan ng editor, kalidad o dami ng mambabasa sa online? Hays. Puro na lang ba talaga pagpapasikat? Paano uunlad ang Phil. Lit kung nagiging Pilit lang ito? Isa pang tanong, bakit sa ibang bansa kapag gumagawa ng movie adaptation nagiging mainstream, bakit dito kapag movie adaptation, puro Jadine ang gumaganap at halos magkakamukha lang naman ang plot at conflict? Ang daming nakakaimbyernang bagay na hindi ko mahanapan ng kasagutan!

Sikat na sikat ang Teen-Fiction na genre sa panahon ngayon, kadalasan ay mga high school students ang nagbabasa at umaasa na may forever sila, pero ang mga kabutihang asal at librong naguudyok na abutin ang pangarap nila, wala! Isama pa pala ang mga librong nagbubukas ng kaisipan ng mga kabataan ukol sa totoong mundo natin at pampulitikang usapin. Wala silang pakialam sa mga ganyang bagay dahil lango sila sa pangarap na may prince charming at sila ang damsell in distress sa nobela. Okay, don’t get me wrong, hindi ko sinasabing masama ang Teen-Fiction, tulad ko’y gusto ko lang din mang-aliw ng mambabasa pero paano naman ang mga mahuhusay na libro? Natatabunan na sila sa bookstore dahil sa mga ito.

Enough na nga. Nagiging rant na ito. Ang mensahe ko lang talaga para sa mga publisher, editor at mga manunulat, sana naman ay lagyan ng kalidad ang mga ipina-publish na libro, huwag lang daanin sa paramihan ng reads. At sa mga manunulat naman, please lang hindi por que wattpad at walang wrong at right grammar eh aabusuhin na, gamitin po iyon ng tama para hindi masayang ang pinag-aralan. Iyon lang.

Leave a comment